Thursday, August 26, 2004

Ang Aking Pagbabalik.

Kinailangan pa talagang mawalan ng pasok para maayos ko ‘to. Paumanhin sa mga kaibigan kong masugid na nag-aaksaya ng oras sa pagtingin ng blog na ‘to. Salamat!

Ngayong nabuhay muli at kakampay na naman ang mga paa ng silver swan, ano nga ba magandang isulat… Hirap na naman mag-isip, para kaseng ang daming lumipas na mga “blog moments” na natabunan na dahil sa mga kung anu-anong inaatupag ko, na kung iisipin, mahalaga rin naman pero ‘di gan’on kasaya gawin tulad nito.

Dahil pumapasok na naman, kayod ulit pagdating sa paggawa ng mga papel, pag-aaral para sa mga pagsusulit, at walang sawang mga group meetings na kelangan para matapos ang proyekto. Para saan? Nakakalimutan ko na nga minsan kung para saan ‘tong mga ginagawa ko. Salamat na lamang dahil may ilan na nagpapaalala ng saysay ng lahat ng ‘to.

“I’M BACK!!!”

Bute na lang nakumbinse talaga kong ayusing ‘to, Kung hindi, wala na naman akong lagusan ng mga kainisan na dala ng mga kung anu-anong nangyayari sa buhay ko. Abangan nyo nalang (kung sakaling may nagbabasa..) kung ano ‘tong mga ‘to. Ang importante, andito na ko ulit. Haay, salamat!