Friday, April 16, 2004

disisit

ang dami ng aalis,
kay rami ng magtratrabaho,
kahit ako may pasok pa rin sa hunyo,
tumatanda na talaga tayo...

lahat ata ng mga kasabay ko sa mataas na paaralan, nagsipagtapos na, o ayon kay levi grumaduate na. ito na ata ung panahon kung san obligado ka nang bumuo ng sarli mong tatak sa mundo. marahil para sa iba, matagal na nila ginagawa to, pero para sa mga malalapit na taong kilala ko, "its our time to shine", ika nga.

nandyan na ung seryosong trabaho kung saan ang unang anim na buwan mo ang siyang magdidikta ng kapalaran mo, sampu ng 'yong mga kapamilya... nandyan na rin ung panahon kung saan ang pagsusulat ay di na lamang basta't pampalipas oras, kundi kailangan mo na talagang gawin, gusto mo man o hindi... o di kaya'y nariyan naman ang pagsusunog ng kilay ng iba sa pagnanasang pumasa ng "board"... o para sa ilan ko pang kaibigan, ang susunod na limang taon ay panay pag-aatupag ng mga iyak at atungal ng mga batang maysakit sa PGH... at syempre, nariyan na ang pagpipiga ng sarili nang sa gayon umabot ang marka!

haay! ang buhay nga naman! parang kailan lang kung anu-ano pang kalokohan ang pinagagagawa natin noong nasa mataas na paaralan pa lamang tayo. kagabi lamang marami akong narinig na mga istoryang kakakatwa na kapag binalikan mo, parang ang gaan ng buhay. samantalagang ngayon, kabi-kabilaang mga "job interviews" at despedida na ata ang kelangan puntahan. wala ng panahon para sa mga kabulastugan at kagaguhan, "this is it", ika nga.

wala nang pagkakaila, wala ng pagbabalkat-kayo
nakakatakot mang isipin pero totoo.
eto na ata ang tunay na mundo,
ingat ka kaibigan, kung saan ka man tutungo...