Friday, April 16, 2004

disisit

ang dami ng aalis,
kay rami ng magtratrabaho,
kahit ako may pasok pa rin sa hunyo,
tumatanda na talaga tayo...

lahat ata ng mga kasabay ko sa mataas na paaralan, nagsipagtapos na, o ayon kay levi grumaduate na. ito na ata ung panahon kung san obligado ka nang bumuo ng sarli mong tatak sa mundo. marahil para sa iba, matagal na nila ginagawa to, pero para sa mga malalapit na taong kilala ko, "its our time to shine", ika nga.

nandyan na ung seryosong trabaho kung saan ang unang anim na buwan mo ang siyang magdidikta ng kapalaran mo, sampu ng 'yong mga kapamilya... nandyan na rin ung panahon kung saan ang pagsusulat ay di na lamang basta't pampalipas oras, kundi kailangan mo na talagang gawin, gusto mo man o hindi... o di kaya'y nariyan naman ang pagsusunog ng kilay ng iba sa pagnanasang pumasa ng "board"... o para sa ilan ko pang kaibigan, ang susunod na limang taon ay panay pag-aatupag ng mga iyak at atungal ng mga batang maysakit sa PGH... at syempre, nariyan na ang pagpipiga ng sarili nang sa gayon umabot ang marka!

haay! ang buhay nga naman! parang kailan lang kung anu-ano pang kalokohan ang pinagagagawa natin noong nasa mataas na paaralan pa lamang tayo. kagabi lamang marami akong narinig na mga istoryang kakakatwa na kapag binalikan mo, parang ang gaan ng buhay. samantalagang ngayon, kabi-kabilaang mga "job interviews" at despedida na ata ang kelangan puntahan. wala ng panahon para sa mga kabulastugan at kagaguhan, "this is it", ika nga.

wala nang pagkakaila, wala ng pagbabalkat-kayo
nakakatakot mang isipin pero totoo.
eto na ata ang tunay na mundo,
ingat ka kaibigan, kung saan ka man tutungo...



Thursday, April 08, 2004

Semana Santa

semana santa na naman...

mahal na araw.

di ko lam kung baket mahal na araw ang tawag.

araw ng pagmamamahal?

pwede.

o mahal ang araw na nangangahulugang mataas ang halaga?

pwede rin.

ewan.

kung semantika ang usapan, baka nga ganito.

ganito nga ba para sayo?

sana.

Pinoy

hanggang ngayon, pagkalipas ng ilang mga araw, di ko pa talaga alam kung anong isusulat ko dito. parang nakakainis nga kasi nakalimutan ko na atang magsulat. pwede bang mangyare yun? makalimutan mo ung isa sa mga bagay na hilig mo talagang gawin? parang hindi dapat, pero ba't ganito ung pakiramdam?

kelangan ko ng masisisi!!!
hindi pwedeng walang may kasalanan kung bakit nagkukubli ung parte ng pagkatao ko na isang manunulat! haay! kasalanan ata ito ng paaralan ko!

kung bakit kase ang laging pinahahalagahan ay panay ang wikang Ingles? merong mga tataas ang kilay, pero, aminin 'nyo, ito ang totoo! pasintabi sa mga kaibigan kong Inglesero't inglesera.. hindi ko nais wasakin ang wikang kinagisnan 'nyong gamitin!

ang sakin lamang, mas bigyang sana ng karampatang pagpapahalaga ang wikang Filipino.

naiintindihan ko na kelangan talaga ang Ingles dahil itinuturing itong pangkalahatang wika. ngunit hindi rin ba karapat-dapat bigyan ng pagkakataon ang katutubong wika upang yumabong?

ang wika nga raw ay maitututring na isang abot-tanaw; isang pagdanas-daigdig ng mga nilalang na gumagamit nito. kaya nga may ilang mga salitang FIlipino na wala talagang katumbas na eksaktong Ingles, gayun din ang katotohanan na may ilang katagang banyaga na di talaga mahahanapan ng katumbas sa ating wika... na kung paanong mayroong katumbas na mahigit na pitong salita ang niyebe sa mga Eskimo at kasabay ng kung papaanong walang katumbas ang po at opo sa ibang mga lahi...

marahil, pwedeng masabi na kaya ganito ang aking pagninilay ay dahil 'di lang talaga ko marunong magsulat sa wikang Ingles. oo, tama. pero, di lang un.

pagkakataon, yun lang ang kailangan ng ating wika. bigyan lamang ng pagkakataon upang sa gayon, matutuhan at matungyahan ang yaman at rikit nito.

hindi ko siguro nalimutan magsulat, nalimutan ko lang ung mga dapat isulat, dala ng kung anu-anong pinagaatupagan ko sa skwelahan.

naririto siguro ako ngayon upang makabawe.

Sunday, April 04, 2004

eto talaga ang unang poste...

nakakatawa, pag-uwe ko sa bahay pagkatapos gawin 'tong pinag-isipan mabuting blog na to, pagpasok ko sa kusina para kumuha ng baso at tubig, bumulaga sakin ang toyo namen! hulaan nyo kung ano tatak?! hehe... wala lang

ANG UNA KONG POSTE.

Ang una kong poste.