Wednesday, November 03, 2004

PAST DUE (post-bday post)

Alam ko, paaralan na naman ang panay magiging paksa ng bawat artikulong gagawin ko (o susubukang gawin) sa hinaharap. Kaya bago pa man magbago ang simoy ng panahon dala ng pagpasok ng bagong semestre, sisimulan kong muli ang pagbabalik ko sa pagsususlat ng tungkol sa isa sa pinakamalaking parte ng buhay ko, labas ng pagiging estudyante. Ngayon ko lamang ito ibubuhos kahit na matagal ko na siyang dinadala.

Hindi ko alam pero sinasadya ata ng panahon na kapag malapit na ang aking kaarawan, nagiging mabagyo talaga ang aking buhay pag-ibig. Hinding-hindi ko kinakaila na napakarami kong biyaya pagdating sa ibang mga aspeto. Sa paaralan, sa bahay, sa mga kaibigan, maayos naman, maliban sa ibang mga maliliit na problema agad-agad nasusulusyonan. Ngunit bakit laging natataon sa panahon kung saan nakagisnan kong laging masaya dapat ang lahat, binibigo talaga ko ng pagkakataon at may umuusbong na problema sa
pagitan naming dalawa.

Hindi ko na babanggitin at uungkatin pa ang mga detalye't pangyayari, hindi na rin mahalaga un dahil tapos na lahat. Siguro dala na rin kasi ng tagal na aming relasyon at ibang mga nakakapikon kong ugali kung bakit ngayon sa mata ng lahat, SINGLE kami pareho. Aminado naman akong hindi lahat kasalanan niya, may mga pagkukulang din ako.

Pero bakit kelangan ngayon pang mga panahong ito? Ganun ba talaga 'pag tumatanda... sadya bang masyado ka ng dinadagdagan ng mga problema dahil inaasahan na kaya mo namang hawakan?

PERO IBA AKO. Sa aking kaarawan, ninananais kong ng mga sorpresa, lobo, regalo, sorbetes, paboritong pagkain... hindi-hinding ang problema sa pag-ibig, luha,at selos. Pero bakit laging yung mga panghuli ang dumadating?

Sana hanggang ngayon na lamang ito. Malagiyang Kaarawan na lang sa kin!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home